INTRODUKSYON
Natalakay sa nakaraang aralin ang payak na larawan ng isang ekonomiya na nagbigay sa atin ng kaalaman at pang – unawa kung paano gumagalaw ang ating ekonomiya.
Natutunan din natin ang iba’t ibang mga sektor na may malaking gampanin sa kabuuang pamamahala ng ekonomiya sa isang bansa.
Napag – aralan din ang mga bahaging ginagampanan ng bawat sektor
sa isa’t isa at higit lalo ang kanilang ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng
isang bansa.
Sa modyul na ito ay mabibigyang-daan ang mga panukat o batayan para malaman kung may pag-unlad ba ang isang bansa. Ang mga mapag – aaralang panukat ang isa sa mga batayan upang malaman kung gaano kaproduktibo at kaunlad ang isang bansa.
Inaasahan ang iyong buong kooperasyon at pokus sa pagtuklas ng araling ito upang iyong lubos na maunawaan at maisabuhay.
Ayon kay
Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles,
Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa
pambansang kita ay ang sumusunod:
- Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.
- Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
- Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
- Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
- Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.
GROSS
NATIONAL INCOME/
- Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
- Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon.
- Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa.
- Para sa paghahambing, ginagamit na pamantayan ang dolyar ng US.
- Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI).
- Ang mga produktong ito ay sumailalim na sa pagpoproseso para sa pagkonsumo.
Mga Hindi Kabilang sa Pagkuwenta ng GNI
1. Halaga ng Hilaw na Sangkap sa Proseso ng Produksiyon- Para maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang.
- Halimbawa, kung ang sinulid ay ibibilang sa GNI at ibibilang din ang damit na gumamit ng sinulid bilang sangkap, nagpapakita ito na dalawang beses ibinilang ang sinulid.
- Kaya naman para ito ay maiwasan, hindi na ibinibilang ang halaga ng sinulid bilang sangkap sa nabuong produkto. Sa halip isinasama na lamang ang halaga ng sinulid na kasama sa halaga ng damit.
2. Mga Hindi Pampamilihang Gawain
- Isang halimbawa nito ang pagtatanim ng gulay sa bakuran na ginagamit sa pagkonsumo ng pamilya.
- Mga Halimbawa
- Naglalako ng paninda sa kalsada
- Nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa mga bahay bahay
- Nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa
- Ito ay dahil hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang halaga ng kanilang produksiyon ay masukat.
4. Mga Produktong Segundamano
- Dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.
- Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon.
- Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito ginawa.
- Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
- Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama rito.
- Halimbawa, ang kita ng mga dayuhang hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa.
- Hindi naman ibinibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dayuhan dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa.
- Sa kabilang banda, ang kinita ng mga dayuhang ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng kanilang bansa.
- Halimbawa, ang kinita ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Singapore ay ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross Domestic Income ng Singapore ngunit hindi kabilang sa Gross National Income ng bansang ito.
- Sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay binibilang sa Gross National Income ng Pilipinas.
Mga iba't ibang uri ng GNP
Potential GNP
- Kabuuang produksyon na tinatantya ayon sa kakayahan ng mga salik ng produksyon o ng kakayahan ng mga manggagawa.
- Hangarin na matamo sa loob ng isang taon
Actual GNP
- Pagsukat sa produksiyong nagawa
- Barometro upang alamin kung naging makabuluhan at epektibo ang pamahalaan sa lubusang paggamit ng likas na yaman, makinarya at manggagawa upang matamo ang potential na GNP.
- Positive gap - Kapag mas malaki ang potential GNP kaysa sa actual GNP
Nominal GNP/ GNP at Current prices
- Kabuuang produksyon ng bansa batay sa pangkasalukuyang presyo ng mga produkto
Real GNP/ Constant Prices
- Halaga ng produksyon ng bansa ay ibinabatay sa presyo ng produkto sa nakalipas na taon.
Pagsukat ng Growth Rate/Antas ng Kita ng Bansa
Growth rate
- Pagsukat ng paglago ng GNP ng bansa
GNP nakalipas na taon
Pamamaraan
ng pagkukuwenta ng Gross National Income/Gross National Product
1. Factor income approach
- Kabilang dito ang lahat ng kita ng bawat salik.
- Ito ay ang mga kabayaran sa mga salik ng produksyon gaya ng renta sa lupa, sahod ng mga mangagagwa, tubo ng entreprenyur at interes ng kapital.
- Binubuo ito ng mga sumusunod:
a. Kabayaran o kita ng mga empleyado (KEM)
- Lahat ng benepisyo, komisyon, allowances at ang mga sahod o bayad na naayon sa kontrata ng mga manggagawa at suweldo ng mga empleyado na tinatanggap sa takdang araw.
b. Kita ng entrepreneur at ng mga Ari-arian (KEA)
- Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o suweldo.
- Ito ang kita ng entreprenyur bilang salik ng produksyon.
- Kabilang din dito ang mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian.
c. Kita ng Kompanya o korporasyon (KK)
- Anumang kita na tinatanggap ng isang korporasyon at pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan
- Lahat ng kita na tinatanggap ng pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng korporasyon na pag-aari ng gobyerno, at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan.
e. CCA - Capital Consumption Allowance
- Pondo para sa pagbili ng bagong makina at gusali kung ang mga ito ay unti unting naluluma at nasisira.
- Ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidi na ibinibigay ng pamahalaan.
Formula: GNI = KEM+KEA+KK+KP+CCA + IBT
2. Final Expenditure Approach
- Kabilang dito ang mga sektor ng ekonomiya gaya ng sambahayan, pamahalaan, kompanya o bahay kalakal at panlabas na sektor.
- Nakasentro sa mga gastos ng bawat sektor ang pag alam o pagkompyut sa GNP.
- Binubuo ito ng mga sumusunod:
a. Gastusin ng Gobyerno (G)
- Ang paggastos ng pamahalaan sa sa pagbabayad ng mga empleyado ng pamahalaan tulad ng manggagamot, nars, guro, clerk, senador, kongresista, mga hukom at hanggang sa may pinakamataas na katungkulan sa gobyerno.
- Paggastos sa mga imprastaktura
- Tulad ng Tulay, Kalsada, Gusali at iba pa
- Ang gastos sa bawat paglalakbay ng pangulo ng banasa at marami pang iba.
b. Gastusin ng personal na sektor (P)
- Mga gastos ng sambahayan
- Pagkain damit tirahan mga luho
c. Gastusin sa kompanya (K)
- Pagkonsumo ng mga negosyante sa fixed kapital
- Tulad ng makinarya, gusali at mga kagamitang pang opisina, mga istak o changes in stocks, mga imbentaryo at mga binibiling lupa at bahay bilang earning assets.
d. Gastusin sa panlabas na sektor/export (X)
- Gastos sa pag aangkat ng produkto (Import)
- Ibinabawas ang gastos sa import mula sa export upang malaman ang gastusin ng panlabas na sektor.
- Positibo kapag mas malaki ang export at negatiboo kapag mas malaki ang export.
e. Net factor income Abroad (NFIFA)
- Ipinakikita dito ang diperensiya o agwat ng kita ng mga dayuhan sa ating bansa at kita ng mga Pilipino sa ibang bansa (OFW's).
- Positibo kung mas malaki ang kinita ng mga Pilipino sa ibang bansa at negatibo naman kung mas malaki ang kita ng mga dayuhan sa ating bansa.
f. Statistical Discrepancy - (SD) -
- Labis o kulang na sukat ng GNP.
- Ang nasabing kakulangan o kalabisan ay hindi malaman kung saan dapat isama kaya ito ay nagsisilbing discrepancy sa pagkukuwenta
Formula: GNP= G+P+K+(X-M)+NFIFA+SD
3. Industrial Origin Approach
- Tinatwag din itong value added approach
- Kinukuwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa.
- Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan munang alamin ang GDP at saka idagdag ang net factor income from abroad.
- Ang tatlong malalaki at mahahalagang sektor (Industriya, Agrikultura, Serbisyo) ang nakapaloob dito.
Halimbawa
- Sa palay o bigas, Ito ay nagmula sa sektor ng agrikultura, kailangan itong iproseso o gilingin upang maipagbili.
- Ang paggiling ay gagawin ng sektor ng industriya at bago ito makapunta sa pamilihan
- Kailangan ang serbisyo ng transportasyon.
Sa bawat sektor na dinadaanan nito ay may idinadagdag na halaga na siyang pinagbabatayan ng halaga opresyo ng bawat produkto sa pamilihan.
Formula: GNP =Agrikultura+Industriya+Serbisyo +NFIFA
LIMITASYON
SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA
Bagamat
kayang sukatin ang pambansang kita ng bansa sa pamamagitan ng pormula sa unang
aralin, hindi pa rin ito perpektong batayan dahil may mga gawaing
pang-ekonomiya na hindi naibibilang sa pagsukat ng pambansang kita katulad ng
sumusunod:
1. Hindi
pampamilihang gawain
- Sa pagsukat ng pambansang kita, hindi kabilang ang mga produkto at serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan tulad ng mga sumusunod,
- pag-aalaga ng anak
- paghuhugas ng pinggan
- pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran.
2. Impormal
na sektor
Malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan tulad ng mga sumusunod:
- Transaksiyon sa black market
- Pamilihan ng ilegal na droga
- Nakaw na sasakyan at kagamitan
- Ilegal na pasugalan at
- Maanomalyang transaksiyong binabayaran ng ilang kompanya upang makakuha ng resultang pabor sa kanila.
May mga legal na transaksiyon na hindi rin naiuulat sa pamahalaan tulad ng
- Pagbebenta ng kagamitang segunda-mano
- Upa sa mga nagtatapon ng basura at marami pang iba.
3.
Externalities o hindi sinasadyang epekto
- Ang hindi sinasadyang epekto o externalities ay may halaga na kalimitang hindi nakikita sa pagsukat ng pambansang kita.
- Halimbawa, ang gastos ng isang planta ng koryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita.
- Samantala ang halaga ng malinis na kapaligiran ay hindi binibilang sa pambansang kita.
4. Kalidad
ng buhay
- Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang kita ay pagbuti rin ng katayuan sa buhay ng mga tao. Dapat tandaan na ang karagdagang produkto at serbisyong nabuo sa bansa ay hindi katiyakan ng kasiyahang natatamo ng isang indibidwal.
- Sa katunayan, maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ng pambansang kita ay nakatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng tao tulad ng
- malinis na kapaligiran
- mahabang oras ng pahinga at
- malusog na pamumuhay.
Ang lahat ng limitasyong ito ay magsasabing hindi mainam na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita.
Gayumpaman, kahit may limitasyon ang
pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng
ekonomiya. Dahil dito, maraming bansa at pamahalaan sa buong mundo
ang patuloy pa ring ginagamit ang pambansang kita bilang batayan ng pagsukat sa
isang malusog na ekonomiya.
BUOD
Ang pamahalaan ay gumagamit ng economic indicator tulad
ng GNP/GNI, GDP, at pambansang kita upang masukat ang pag – unlad ng ekonomiya.
Sa pamamagitan ng economic indicator na ito ay
nasasalamin ang economic performance ng bansa.
No comments:
Post a Comment