Monday, May 23, 2022

PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN


INTRODUKSYON

    Ang tao ay mayroong walang katapusang kagustuhan at pangangailangan na kailangan niyang matugunan. 

    Gaano man karami ang mga pinagkukunang-yaman kung walang hanggan naman ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao, hindi rin mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa kakapusan. 

    Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
 
    Sa araling ito ay ating tatalakayin ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kanyang buhay. 

    Aalamin din natin ang herarkiya ng pangangailangan na ibinahagi ni Maslow. Hangad ko na iyong bibigyan ng pansin ang bawat mahahalagang impormasyon sa paksang ito at nawa’y gamitin mo sa iyong pang – araw – araw na pamumuhay.

    Hangad ko rin na sana’y mayroon kang mapulot na aral at may matututunan na maaring ibahagi sa ibang tao.

PANGANGAILANGAN

  • Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay.
    •  kabilang dito ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng damit, pagkain, at tirahan. 
  • Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan
HERARKIYA NG PANGANGAILANGAN:
 
“People are motivated to achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next one, and so on.”
-Abraham Harold Maslow (1943)

Physiological needs (Pisyolohikal) 
  • Ang pinakamababang bahagi ng piramide.
    • kabilang dito ang mga bayolohikal na pa ngangailangan gaya ng pagkain, tubig, hangin, at tulog.
KAGUSTUHAN 
  • Ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs).
  • Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay.
  • Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
Safety needs (Pangkaligtasan) 
  • Ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.
Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmahal
  • Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.
Esteem needs (Pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)
  • Nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
Self Actualization (Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato)
  • Ang pinakamataas na antas sa hirarkiya. 
  • Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao
    Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas.
 
Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pangangailangan ng tao

Edad
  • Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. 
  • Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. 
    • Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan.
Antas ng Edukasyon
  • Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan.
  • Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.
 Katayuan sa Lipunan
  • Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. 
  • Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain.
Panlasa
  • Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa.
  • Ang panlasa sa istilo ng paggamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda.
Kita
  • Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay.
  • Samantala, naghahangad ng malalaki at modernong bahay ang mga taong may malaking kita. 
  • Kung mas malaki ang kita mas madalas na malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing na kagustuhan.
 
Kapaligiran at Klima

  • Ang kapaligirang pisikal ay nakakaapekto sa pangangailangan ng tao.

  • Kung malapit sa dagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay pangingisda, kaya malaki ang pangangailangan sa mga produktong pangisda. 
  • Kung malamig naman ang lugar ay maaaring maghangad ang tao ng mga produktong makatutulong upang malabanan ang matinding lamig, tulad ng heater.
    • Samantala ang electric fan, air condition unit, at iba pang mga kahalintulad nito ang pangangailangan sa lugar na may mainit na klima.
Tandaan
  •   Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay.
  • Ang kagustuhan ay mga bagay na nais makamit ng tao.
  • Si Abraham Maslow ang nagpanuka ng herarkiya ng pangangailangan.
  • Iba’t iba ang pangangailangan ng tao batay sa edad, klima kita, hanapbuhay at iba pa.
  • Ang labis na kagustuhan ng tao ay magdudulot ng kakapusan.
 

 


No comments:

Post a Comment

Ekonomista

Introduction and Road Map Mind, ideas, and information are essential for a brighter future. The intellectual economy is recognized as the pi...