Wednesday, May 11, 2022

Maikling Kasaysayan ng Ekonomiks


INTRODUKSYON

Bahagi ng ating pang araw araw na pamumuhay ang ekonomiks. Pagkagising palang sa umaga ay atin ng iisipin kung ano ano ang mga bagay na ating gagawin. Ikaw ba ay maghihilamos o magsusuklay, lalabas at iihi o kaya naman ay bubuksan ang iyong mobile phone. 

Ang lahat ng ito ay ilan lamang sa mga bagay na ating ginagawa sa araw-araw nating pamumuhay. Sa maniwala tayo at hindi parte ito ng ekonomiks at malaki ang epekto ng mga desisyong ito sa ating buhay, sa pamilya at sa ating lipunan partikular na sa aspektong pang ekonomiya. 

Malamang ika'y naguguluhan sa ngayon dahil iyong iniisip kung ano ang kaugnayan nito sa ekonomiya at kung paano ito nakaaapekto sa bansa. Ang lahat ng mga agam agam at mga katanungang bumabagabag sa ating isipan ngayon ay masasagot at iyong lubos na mauunawaan mula sa  pag-aaral ng disiplinang ito. 

Kung kaya't halina at samahan mo akong lakbayin, tuklasin, alamin at palawakin ang ating kaalaman sa disiplinang ito at sa lahat ng aspektong mayroong kinalaman sa lipunan. Sabay sabay tayong mag-aral at matuto ng higit pa.

BALANGKAS NG KAISIPAN
  • Kasaysayan ng Ekonomiks
  • Kahulugan/Pinagmulan ng ekonomiks 
  • Mga Ekonomista na nagbahagi ng iba't ibang kaisipan sa ekonomiks
Ang EKONOMIKS ay nagmula sa salitang griyego na OIKONOMIA . Ang salitang ito ay nagmula naman sa dalawang salita na Oikos at Nomos. Ang ibig sabihin ng Oikos ay pamamahala samantalang ang Nomos naman ay sambahayan. Kapag pinagsama ang dalawang ito ay mabubuo ang salitang pamamahala ng sambahayan.

Maliwanag na ipinahahayag nito ang pamamahala sa buong sambahayan ng bansa. Nangangailangan ito ng masusing plano para masigurong walang maiiwan at lahat ng mamamayan ay maunlad. 

Pangunahing katanungan sa ekonomiks ay kung Paano matutugunan ng tao ang kanyang walang hanggang pangangailangan sa kabila ng limitadong pinagkukunang yaman? Ito ang pinagtutuunan ng pansin ng disiplinang ito.

Unang nakilala ang ekonomiks bilang disiplinang political economy na sentro ng usap - usapan ng mga pilosopo/philosophers. Bawat pilosopo/philosophers ay nag ambag ng kani – kanilang pananaw o ideya  ukol dito. Sila ay tinatawag ding mga EKONOMISTA o mga taong nag-aaral sa mga usaping mayroong kinalaman sa ekonomiya. 


MGA PILOSOPO NA NANGUNA SA PAGLAGANAP NG KAISIPAN NG EKONOMIKS

XENOPHON 

  • Binigyang diin niya ang konsepto ng mabuting pamamahala at pamumuno.
  • Ang pagkakaraaon ng katangiang ito ng isang lider o pinuno ng isang bansa ang magiging susi sa kaunlarang minimithi ng bawat mamamayan.

PLATO 
  • Binigyang diin niya ang pagkakaroon ng Espesyalisasyon at Division of Labor. 
    • ESPESYALISASYON - Tawag sa kakayahan at kapasidad ng isang manggagawa.
    • DIVISION OF LABOR - Ang paghahati hatian ng mga gawain batay sa kapasidad ng isang maggagawa.
  • Sa proseso ng produksyon kinakailangan ng maayos at tamang pagtatalaga ng mga manggagawa sa bawat departamento o sangay nito. 
  • Kailangang nakabatay ito sa kani-kanilang kakayahan at kapasidad upang mas mabilis at mas de kalidad ang magiging kalalabasan ng gagawing produkto at ipagkakaloob na serbisyo.    

ARISTOTLE

  • Binigyang diin nito ang pagkakaroon ng pribadong pag mamay – ari.
  • Ang bawat indibidwal/mamamayan ng isang bansa ay may kakayahang magkaroon ng sariling lupa o negosyo ng hindi kinokontrol ng pamahalaan.

MERCANTILIST 

  • Isang sistemang pang ekonomiya na naniniwala na kapag mas marami ang ginto at pilak ng isang bansa mas mayman ito.
  • Ang sistemang ito ang dahilan ng pagkakaroon ng kolonyalismo at imperyalismo noong kalagitnaan ng panahon. 
  • Ito ang naging batayan ng lakas ng kapangyarihan ng isang bansa gayundin kung gaano ito kaunlad.

PHYSIOCRATS

  • Grupo ng mga tao na binigyang diin ang pagbibigay halaga sa kalikasan. Ito ay pinangunahan ni Francois Quesnay.
  • Ayon sa mga physiocrats kailangang bigyang halaga o pangalagaan ang ating kalakasan para magkaroon ng kasapatan sa suplay ng pagkain at hilaw na materyales sa isang bansa. 
  • Ang pagwawalang bahala dito ay magdudulot ng malawakang problema gaya ng kagutuman, pagbaha at pagkaubos ng likas na yaman.

FRANCOIS QUESNAY

  • Tableau economique  o ang paikot na daloy ng ekonomiya
  • Ipinaliliwanag ng ideyang ito ang payak o simpleng paglalarawan kung paano gumagalaw ang ekonomiya ng isang bansa.


 Maliban dito nagbigay din ng mga ideya ang mga makabagong ekonomista na naging daan sa pag-unlad at pagsasaayos ng disiplinang Ekonomiks.

ADAM SMITH 

  • Doktrinang Laissez- Faire o Let Alone Policy
  • Naniniwala si Adam Smith na ang pamahalaan ay hindi dapat makialaman sa mga gawaing may kinalaman sa pamilihan. 
  • Mayroon umanong sariling mekanismo at pwersa na nagsasaayos sa takbo at galaw ng pamilihan. Ito ay kanyang tinawag na INVISIBLE HAND.
  • Ayon pa sakanya,ang papel lamang na dapat gagampanan ng pamahalaan ay panatilihing mapayapa ang pamilihan at bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas. 
  • Kinilala siya bilang AMA NG DISIPLINANG EKONOMIKS dahil siya ang nag ayos sa lahat ng mga konseptong may kinalaman sa ekonomiks na ibinahagi ng iba't ibang pilosopo/philosophers.

DAVID RICARDO

  • Binigyang diin niya ang Law of comparative Advantage at Law of Diminishing Marginal return. 
  • Para kay David Ricardo kailangang hanapin o tignan ng isang prodyuser o ng bansa ang pinakamatalino at pinakaepisyenteng pamamaraan ng pagprodyus ng mga produkto at serbisyo upang mas maging produktibo at de kalidad ang mga ito.
  • Ipinahayag naman niya sa Law of Diminishing Marginal Return na kapag patuloy na ginagamit ang mga likas na yaman nawawala o bumabababa ang pakinabang na makukuha at ang kalidad nito.
  • Ipinanukala niya na kailangang pangalagaan ang mga ito at panatilihing produktibo.

JOHN MAYNARD KEYNES

  • Naniniwala siya na ang pamahalaan ang may malaking gampanin sa pag unlad ng ekonomiya ng isang bansa. 
  • Mayroon dapat pakialam o dapat na makialam ang pamahalaan sa pamilihan upang mapangalagaan ang interes ng bawat isa.
  • Siya ay tinaguriang Father of Modern Theory of Employment. 

THOMAS ROBERT MALTHUS

  • Binigyang diin naman ni Malthus ang mabilis na paglaki ng populasyon kaysa suplay ng pagkain. Ito ay nakilala bilang Malthusian Theory.
  • Ang mabilis na pagdami ng populasyon kaysa sa supaly ng pagkain ay magdudulot ng kagutuman at kahirapan sa mga mamamayan ng isang bansa. 
  • Naniniwala siya na kailangang kontrolin ang pagdami ng populasyon upang matugunan ng estado ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan at masigurong balanse ang takbo ng ekonomiya. 

KARL MARX

  • Sumulat ng aklat na “Das Kapital” 
  • Naniniwala siya na dapat mayroong pagkakapantay pantay ang mga tao sa lipunan.
  • Siya ay kinilala bilang Ama ng Komunismo.
  • Naniniwala si Karl Marx na dapat ang pamahalaan o estado ang siyang magmay-ari ng lahat ng ari-arian. 
  • Ang pamahalaan lang ang may karapatan na gamitin ang pinagkukunang yaman ng bansa para masigurong maipamahagi ng maayos at pantay pantay sa mga mamamayan ng bansa. 
Dalawang Dibisyon ng Ekonomiks

Maykroekonomiks

  • Nag-aaral tungkol sa galaw at desisyon ng bawat indibidwal na yunit. 
  • Ang bahay-kalakal, sambahayan at industriya ang mga pangunahing aktor sa pag - aaral ng sangay na ito.

Makroekonomiks

  • Ito ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. 
  • Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkalahatang antas ng presyo at pambansang kita.


"ANG EKONOMIKS AY TULAD NG DUGO NA NAGBIBIGAY-BUHAY SA PAGGALAW NG TAO SA LIPUNAN"
~Anonymous







No comments:

Post a Comment

Ekonomista

Introduction and Road Map Mind, ideas, and information are essential for a brighter future. The intellectual economy is recognized as the pi...