Thursday, April 28, 2022

MISYONG PANG-EKONOMIKO Part 1

SITWASYON

Ang mga pinagkukunang yaman ng bansa ay nakararanas ng iba’t ibang suliranin gaya ng walang humpay na pagputol ng puno sa kagubatan, ilegal na pagbebenta ng mga nanganganib ng mawala na hayop, kawalan ng trabaho, kakulangan ng mga kagamitang panlipunan, polusyon sa tubig at marami pang iba. 

Bilang isang chairman ng sangguniang kabataan o lider ng isang organisasyong pangkapaligiran, ikaw  ay gagawa ng isang “Komprehensibong  Advocacy Program Plan” na may layuning magpanukala ng solusyon sa mga iba’t ibang suliraning  kinahaharap ng mga pinagkukunang yaman ng bansa. 

Ang iyong gagawing programa ay ipakikita gamit  ang Ms Word o powerpoint presentation at ito ay mamarkahan ng mga sumusunod na Pamantayan: Nilalaman, Kaugnayan, Organisasyon,  Kapakinabangan, Pagkamalikhain, Teknikalidad

GOAL - Nakagagawa ng isang komprehensibong advocacy program plan na magbibigay solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng mga pinagkukunang yaman.

ROLE - Chairman ng Sangguniang Kabataan, Lider ng organisasyon ng samahang pangkapaligiran

AUDIENCE - Kalihim ng Kagawaran ng kapaligiran at pinagkukunang yaman

SITUATION - Ang mga pinagkukunang yaman ay nahaharap sa iba’t ibang suliraning    panlipunan

PRODUCT - Comprehensive advocacy program plan (Ms Word, Powerpoint Presentation) w/Graphic designs.

STANDARD - Nilalaman, Kaugnayan, Organisasyon, Kapakinabangan,                              Pagkamalikhain,Teknikalidad

MGA PAMAMARAAN SA PAGSASAGAWA NG COMPREHENSIVE

ADVOCACY PROGRAM PLAN

1. Pumili ng iyong paksa mula sa iba’t ibang pinagkukunang yaman

2. Tukuyin lahat ng mga suliraning kinahaharap ng napiling paksa.

3. Pumili ng isang suliranin na siyang hahanapan at gagawan ng solusyon

4. Mag isip ng epektibong programa na magbibigay solusyon sa suliraning

    pinili.

5. Magplano ng maayos at isagawa ang mga kinakailangang gawin upang

    maging matagumpay ang gagawing proyekto

NILALAMAN NG COMPREHENSIVE ADVOCACY PROGRAM PLAN

1. Pamagat o pangalan ng programa

2. Mga Layunin

3. Kaligiran ng Programa

4. Mga pamamaraan

5. Kapakinabangan ng programa

6. Mga inaasahang kalalabasan ng programa

Mga layunin - Nakasaad dito ang gustong maabot ng iyong programa. Ito ang magsisilbing direksyon upang matagumpay na maisakatuparan ang iyong programa.

Kaligiran ng programa/background of the program - sa bahaging ito ay iyong  ipakikilala ang iyong programang gagawin (Brief history).Ihayag din ang mga dahilan kung bakit ito ang iyong napiling programa gayundin ang pinagmulan ng pangalan nito.

Mga pamamaraan/methods - Ito ang katawan ng iyong programa. Iyong ihahayag dito  ang mga step by step process na gagawin upang maisakatuparan ang iyong programa. Kabilangdin dito ang mga estratehiya at teknik na iyong gagawin para magtagumpay ang nasabing programa

Mga inaasahang kalalabasan ng programa - Dito mo ihahayag ang iyong inaasahang kalalabasan ng programa (expected outcome). Maaari mong ipakita ang kalalabasan ng programa sa pamamagitan ng paggamit ng graphs, charts, pictures at iba pa.

KAPAG MAY ITINANIM MAY KAKAININ PROGRAM

MGA LAYUNIN:

a. Hikayatin ang bawat mamamayan na magtanim ng sariling produkto sa bakuran

b. Maging self-sufficiency ang bawat pamilya at ang ating lipunan

c. Makatutulong na mabigyang solusyon ang kakulangan ng suplay ng produkto sa

    pamilihan

d. Masigurong ligtas at masustansiya ang mga produktong ikokonsumo ng bawat

    pamilya

e. Mapahalagahan ang mga produktong kinokonsumo sa araw-araw

KALIGIRAN NG PROGRAMA

Ang “KAPAG MAY ITINANIM MAY KAKAININ” ay isang programang magbibigay solusyon sa mga suliraning panlipunan gaya ng kakulangan ng mga produkto sa pamilihan. Ang bawat pamilya partikular ang mga nasa urban area ay hihikayatin na magtanim ng kanilang sariling produkto sa tahanan na magagamit o maaaring ikonsumo sa pang-araw- araw na pamumuhay. Sa ganitong paraan hindi na sila parating nakadepende na bibili ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan. Gayundin, Maiiwasan ng mamamayan na magkaroon ng mas mabigat na problema sakali man na magkaroon ng kakulangan ng suplay ng produkto sa pamilihan.

Bilang karagdagan, ito ay magbubukas sa isipan ng bawat mamamayan na mas pahalagahan pa lalo ang mga produktong mayroon tayo at ang yamang lupa na siyang susi para makalikha ng iba’t ibang klase ng produktong agrikultural. Pahalagahan natin ang anumang yaman na mayroon tayo at ating tulungan ang ating pamahalaan na mapaunlad ang ating ekonomiya.

MGA PAMAMARAAN

1. Kakausapin ang lokal na pamahalaan upang humingi ng permiso at tulong sa pagsasagawa ng programa.

2. Magsagawa ng isang pagpupulong sa mga mamamayan/kabataan upang ipahayag at ipaliwanag ang nilalaman at kahalagahan ng programa.

3. Mag imbita ng mga kinatawan mula sa Departamento ng Agrikultura na siyang magsasagawa ng training at workshop sa mga mamamayan upang maturuan sila sa tamang paraan ng pagtatatanim at pagpaparami ng pananim.

4. Magsagawa ng iba pang training at workshop sa mga nasa urban areas kung paano sila makakapagtanim ng produkto. Ipakikilala sakanila ang konsepto ng urban gardening gayundin ang paggamit ng mga plastic bottles at iba pang mga pwedeng I-resiklo na pagtataniman.

5. Makipag uganayan sa Departamento ng Agrikultura upang humingi ng libreng buto ng mga pananim na siyang ipamamahagi sa mamamayan para makapagsimula silang magtanim.

6. Magsagawa ng patimpalak tungkol sa pinakamatagumpay na gardener/prodyuser ng agrikultural na produkto upang mas mahikayat pa lalo ang mga mamamayan na pagbutihin ang pagtatanim sa kani – kanilang tahanan.

7. Pagbuo ng isang grupo kasama ang mga boluntaryong mamamayan at kabataan upang magmonitor sa pagsasagawa ng programa.

8. Magkaroon ng iskedyul na pagbisita sa bawat tahanan upang malaman kung mayroong problema at mga kailangan ang mga mamamayan.

9. Patuloy na pagsasagawa ng mga pagpupulong at seminar sa mga mamamayan upang maipaalala sakanila ang kahalagahan ng programa sa kanilang buhay at sa ating ekonomiya.

MGA INAASAHANG KALALABASAN NG PROGRAMA

1. Magkakaroon ng kasapatan ng suplay ng produkto sa pamilihan.

2. Mapamura ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.

3. Makatipid ang bawat pamilyang Pilipino.

4. Mapahalagahan ng bawat mamamayan ang produkto.

5. Maging episyente ang bawat mamamayan.

6. Maunlad at malusog na pamayanan.

7. May pagkakaisa, pagtutulungan at pagiging responsableng mamamayan.

8. Matutong gamitin ang limitadong pinagkukunang yaman sa pinakamatalinong

    paraan.

9. Maging mapamaraan at madiskarte sa buhay.

10.Matuto sa pagreresiklo at maging maagap sa buhay.


May naiisip ka rin bang programa na makatutulong na masolusyunan ang mga problema sa ating ekonomiya. Ibahagi na ang mga ito sa ating comment section.

No comments:

Post a Comment

Ekonomista

Introduction and Road Map Mind, ideas, and information are essential for a brighter future. The intellectual economy is recognized as the pi...