Friday, December 30, 2022

Mga Tugon sa Misyong Pang Ekonomiko Part 1


1. Pagbibigay ng tamang bayad at suporta sa ating mga magsasaka at upang mas mabigyan ito ng pansin.

2. Paglimitahan ang pagbili ng mga medisina o kemikal para pataba sa mga lupa upang hindi ito masira at mas lalong lumusog ang mga lupa at pwede pang gamitin muli.

3. Pagpapakalat sa mga tao na gumamit ng mga dumi ng hayop katulad ng kalabaw, baka at madami pang iba. Ang mga ito ay pwedeng maging fertilizer o mga pataba sa lupa at magamit pa ito at para mas lalo pang tumaba ang mga lupa.

4. Pagbibigay halaga sa ating kalikasan, halimbawa na lamang ang mga alagang hayop na unti unti ng nawawala dahil sa maling kagagawan ng mga tao.

5. Maging inspirasyon sa mga kabataan at sa taumbayan sa pamamagitan ng pag-resiklo ng ating mga kagamitang pwede pang gamiting muli.

6. Pagtatanim ng puno't halaman para sa pagkakaroon ng sariwang hangin at makaiwas sa mga sakuna o Natural Disaster.

7. Paglalatag ng iba't ibang batas na nauukol sa pagbibigay halaga sa mga butihing magsasaka.

8. Pagpapahalaga sa mga pinagkukunang yaman

9. Paglalagay ng mga poster o kasabihan sa iba't ibang sulok ng lugar upang mabigyan ng kaalaman ang makakakita nito.

10. Pagsunod sa Reduce, Reuse, Recycle o ang tinatawag na 3r's

    Ang programang MAGSASAKALIKASAN TUNGO SA MAGANDANG KINABUKASAN ay isang programang tungkol sa ating mga magigiting na magsasaka at sa inang kalikasan. Ang programang ito ay ihahandog upang maging instrumento't magbibigay solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng ating lipunan. 

    Ang mga magsasaka ay isang magigiting na tauhan hindi lamang sa ating bansa ngunit sa buong mundo. Sila ang nagkakaloob sa ating mga pangunahing pangangailangan. Ngunit, ang kanilang paghihirap ay hindi nabibigyan ng atensyon at nasusuklian ng sapat.  

    Kung kaya't ating hikayatin at kumbinsihin ang mga mamamayan na magbigay ng mga donasyon kahit simple lamang. Tayo din ay lumapit sa pamahalahaan upang bigayan ang mga magsasaka ng ayuda/subsidi at kung maaari ay buwagin o amyendahan ang Rice Tarrification Law.

    Pagtuunan sana ng pansin ang mga magsasaka upang mabigyan ng tamang bayad kapalit ng kanilang pagod at pawis sa pagkakaloob ng ating pangangailangan. 

    Ang ating kalikasan naman ay isa sa pinagkukunang yaman ng ating bansa. Dito natin matatagpuan at makukuha ang ating mga gagamitin at ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nakalulungkot na sa paglipas ng ilang panahon at maging sa kasalukuyan ay ating inaabuso ang inang kalikasan.

    Isa sa mga dahilan ay marahil wala ng disiplina at hindi na responsable ang mga tao. Halimbawa na lamang dito sa ating lugar, mapapansin natin kung tayo ay susulyap sa labas ng ating bahay, may kalye't ilog na puno ng basura, mayroong deforestation sa mga kagubatan, maraming nagsusunog ng mga plastiks at marami pang iba. 

    Bilang pagtugon sa mga suliraning kinahaharap ng ating kalikasan at mga magsasaka. Ang programang ito ay makatutulong na hikayatin ang bawat mamamayan na maging disiplinado, maging responsableng mamamayan. Ang sinumang lalabag sa ipinatutupad na batas ay mayroong kaukulang kaparusuhan o multa.

    Ang programang ito ay magiging sandata upang patuloy na masugpo ang mga isyung pangkapaligiran at mabago hindi lamang ang ating kapaligiran, kundi na pati na rin ang isipan ng bawat indibidwal.

    Panghuli, ang programang ito ay nilikha upang matulungan ang bawat isa, magkaroon ng malinis at maayos na pamayanan at ibukas ang isipan ng bawat isa. 

    Pinapaalalahanan ng programang ito na ang bawat galaw ng tao ay konektado sa ating inang kalikasan. Ang anumang hindi magandang gawain ng tao sa kanyang buhay ay magdudulot ng panganib o hindi magandang epekto sa kalikasan.

    Bilang karagdagan, nakatutulong ito upang bigyang pansin ang lahat ng problemang kinahaharap ng bawat isa. Bigyang halaga at pansin ang kahalagahan ng ating kalikasan, patuloy sana nating mahalin at alagaan dahil ito'y pinagkukunan ng yaman ng tao. Tayo'y magsama-sama, magtulungan at maghawak kamay para sa ikabubuti ng sangkatauhan at tungo sa magandang kinabukasan.

    Ipresenta ang mga layunin at kalalabasan ng programa sa pamahalaan at humingi ng permiso at tulong.

    Mang hikayat ng mga mamamayan na makilahok at ipaliwanag sakanila ang programa.

    Liwanagin at ituro sakanila kung paano ang tamang pagtapon ng basura. Sabihin na huwag magputol ng puno, kundi magtanim na lamang ng puno. Ipaliwanag din ang mga benepisyo na maidudulot nito kung matagumpay na magagawa ang mga ito.

    Magsagawa ng Patimpalak. Ang patimpalak na ito ay "Beautification" Ito ang Pagtatanim ng mga halaman at puno. Ang mga lalahok ay pagandahan magtanim ng mga puno at palinisan ng bakuran. Maaaring magresiklo ng  mga participants upang pang disenyo sa kanilang bakuran o garden tulad na lamang ng plastik bottles, mga gulong, plastic straws at marami pang ibana pwedeng i-recycle ang disenyo. Kung sino ang magtatagumpayay may ibibigay na papremyo galing sa pamahalaan.

 

Ipresent aat Ipaliwanag ang mga layunin at kalalabasan ng programa

No comments:

Post a Comment

Ekonomista

Introduction and Road Map Mind, ideas, and information are essential for a brighter future. The intellectual economy is recognized as the pi...