SITWASYON
Ang mga pinagkukunang yaman ng bansa ay nakararanas ng iba’t ibang suliranin gaya ng walang humpay na pagputol ng puno sa kagubatan, ilegal na pagbebenta ng mga nanganganib ng mawala na hayop, kawalan ng trabaho, kakulangan ng mga kagamitang panlipunan, polusyon sa tubig at marami pang iba.
Bilang isang chairman ng sangguniang kabataan o lider ng isang organisasyong pangkapaligiran, ikaw ay gagawa ng isang “Komprehensibong Advocacy Program Plan” na may layuning magpanukala ng solusyon sa mga iba’t ibang suliraning kinahaharap ng mga pinagkukunang yaman ng bansa.
Ang iyong gagawing programa ay ipakikita gamit ang Ms Word o powerpoint presentation at ito ay mamarkahan ng mga sumusunod na Pamantayan: Nilalaman, Kaugnayan, Organisasyon, Kapakinabangan, Pagkamalikhain, Teknikalidad